IPASA ang Income TAX Reform - Pamaskong Regalo para sa mga Magulang na NAGPAPAKAHIRAP MagTrabaho.

IPASA ang Income TAX Reform - Pamaskong Regalo para sa mga Magulang na NAGPAPAKAHIRAP MagTrabaho.

sign the petition by clicking this link http://bit.ly/taxngina



Palibhasa karamihan sa PULITIKO hindi naranasan magbayad ng TAX ng ina. Lahat ng Anak nila may posisyon agad at tax free, puro pag-gastos ng pera natin ang alam.
Maawa sa mga MAGULANG, KAPATID at ANAK na nagsusumikapmagtrabaho, nakuba na at napagal na ang mga kamay may maiuwi lang na sweldo sa PAMILYA.
  • iREGALO ngayong PASKO ang REPORMA sa "Income TAX"!
  • STOP the CORRUPTION!
  • LAHAT ng FILIPINO kung MAGTUTULUNGAN may MAGAGAWA TAYO!
Ito ang mga dahilan kung bakit ayaw ng PALASYO ng MALACANANG na ipasa ang reporma sa income tax:
  1. Malulubog daw sa utang ang Pilipinas
  2. Hindi daw mababayaran ang utang panlabas
  3. Hindi din daw matutugunan ang pagpapatayo ng eskwelahan
  4. Hindi din daw matutugunan ang pagpapatayo ng ospital
  5. Mababawasan din ang pondo para sa mga bagong proyekto
Pero bawat isang FILIPINO alam natin ang totoo, mas pinili lang ng marami sa atin ang magkibit balikat at pumikit na lang.

Ano ang solusyon para hindi mabawasan ang koleksyon ng buwis kung sakaling maipatupad ang pagbabawas ng "income tax"? Putulin ang  ugat ng Korupsyon.
  • 100+Billion ng pondo ng Gobyerno napupunta sa Korupsyon.
  • 40+Billion ng pera natin ay napupunta sa Ghost Employee.
  • 35+Billion ng pera natin ay napupunta sa Ghost Project.
  • 20+Billion napupunta sa mga KAMAG-ANAK Incorporated.
  • 15+Billion napupunta sa mga donasyon sa mga KULTO.
  • 10+Billion napupunta sa mga EPAL na pagbati ng HAPPY BIRTHDAY sa Diyaryo sa mga taong KULTO.
  • 5+Billion napupunta commercial sa nakabalandra mukha nila.
  • 5+Billion napupunta sa mga batas na pabor sa isang grupo.
  • 5+Billion regalo para iboto uli.
  • at marami pang iba.
Ngayon alin ang dapat bawasan ang income tax ng mga FILIPINONG halos mamatay na sa pagtatrabaho o ang sobra sobra at labis labis na paggastos ng mali.
Kung ipupunin natin ang lahat ng pera na nagagastos sa Korupsyon, kaya na nating:
  1. Magpatayo ng sapat na eskwelahan sa buong bansa
  2. Mabigyan ng scholarship ang bawat Filipino
  3. Para wala ng lalapit sa mayor, congressman ng scholarship
  4. Magpatayo ng sapat na Ospital sa buong bansa
  5. Para wala ng manlilimos ng awa kay mayor at congressman para sa gamut at pambayad
  6. Magpatayo ng pampublikong planta ng kuryente
  7. Para hindi na tayo ang pinakamahal na kuryente sa buong Asya
  8. Magpatayo ng maayos na Dam ng Tubig
  9. Para hindi na tayo mangutang ng dolyar pambayad sa tubig na iniinom natin
  10. Magpatayo ng Vertical Rice FARM
  11. Para hindi na tayo mag-angkat ng bigas sa ibang bansa.
  12. At marami pang iba.
Kung totoong mahal mo ang Pilipinas ito ang dapat na ipatupad na reporma sa income tax:
  • Ipagbawal ang PROGRESSIVE Taxation
  • Progressive taxation ay ANTI-MANGAGAWA
  • Kasalanan ba namin na masipag kami at napromote kami
  • Kasalanan ba namin na masipag kami at may bonus kami
  • Kasalanan ba namin na masipag kami at tumaas ang sweldo naming
  • "We are being penalized for our HARDSHIP"
  • Pantay na TAX sa lahat 7%
  • Mas madali na ang pagbabayad ng TAX
  • Mas tipid sa oras
  • Mas madami ang magbabayad ng Tamang TAX
  • Maiiwasan na  ang dayaan sa pagbabayad ng TAX
  • Malaki ang matitipid ng Gobyerno sa madali at mabilis na pantay na 7% TAX.
Lagi tayong sumisigaw ng pantay pantay pero pagdating sa bayaran sa TAX pilit nating pinagugulo para paboran ang sino? Ang isang bagay na magulo mas madaming dayaan ang nagaganap, mas tumatagal, mas bumabagal, mas kakaunti ang napupunta sa Gobyerno.

Kung simple lang at pantay pantay lang ang TAX natin sa 7%, mas madali, mas mabilis, mas madami ang babalik na buwis sa Gobyerno.

Kung lahat tayo magtutulungan may magagawa tayo.

Kung hindi ngayon kalian pa?
Kung tutuligsahin mo ako dahil sa isinulat ko, ano ang solusyon mo?
Kung sang-ayon ka sa nasulat ko?
KILOS na! Ngayon na!
Magmalasakit tayo sa bawat Filipino.

Kung kinakailangang gumastos ako ng sarili kong pera para magbayad ng Ads sa Facebook mahikayat lang lahat ng 40+million Filipino sa FACEBOOK na pumirma dito gagawin ko.

Kasi mahal ko ang Bayan ko.
Kasi mahal ko ang magulang ko.
Kasi mahal ko ang kapatid ko.
Kasi mahal ko ang anak ko.
Kasi mahal ko ang kinabukasan ng bawat kabataang Filipino.
Hindi ako president pero may magagawa tayong lahat kung magkakaisa.

FILIPINO ako at MAHAL ko ang BAYAN ko
(SHARE this post)
sign the petition by clicking this link http://bit.ly/taxngina

Thank you for reading this post

&

I really appreciate your care for sharing this in your social media.