Umaandar ang Oras



Umaandar ang Oras

- #AkoyPinoy serye#0001 isinulat ni John P. Combalicer ika-16 ng Abril taong 2015



Umaandar ang oras, tumatakbo ang panahon.
Pera ay nauubos, kagandahan at kagwapohan ay lumilipas.

Pero ang kabutihan sa puso ko ay hindi mawawala.

Subokin man ng tadhana, lalong tumatapang.
Paluhodin man ng sakuna, lalong tumatayog.

Mawala man ang lahat, ako pa din ay tatalima.

Lahat ng oras at panahon kaya kong hanapin,
Makita ko lang na mabuti ang lahat.
Kaligayahan ko ay kayang sakupin ang buong kalawakan.

Kasing lawak ng kabutihan natin lahat.

Hindi ako susuko sayo
at alam kong ikaw din ay hindi susuko.


Thank you for reading this post

&

I really appreciate your care for sharing this in your social media.