Gaano kadalas ang minsan…..

From Life as we see it....


Gaano kadalas ang minsan…..

-isinulat ni jcombalicer Pebrero 12, 2010



Gaano kadalas
ako maghihintay

Habang ang pagal
kong mga kamay
ay patuloy pa rin sa pagkayod

gaano kadalas
ako ay aasa

Lakarin ko man
ang buong mundo
at tuboan ang aking mga paa
ng bukol

gaano kadalas
mo akong bibiguin

Binigay ko na
ang lahat
Kulang pa ba
ang lahat
ng bagay sa mundo
para ikaw
ay lumigaya

gaano kadalas
ako ay magpaparaya

Batid ko na
hindi mo nais
na ako ay masaktan

Pero gaano kadalas
mo ako ay sasaktan

Wala na akong
ibang tinaTangis pa
kundi ako
naman ay
Lumigaya din

Gaano pa kadalas?….

Hihintayin pa natin
na mahapo ang aking pusong
pilit tumatahi para
humabi ng masayang
tahanan.

Mahal ko kailan
ka magigising
sa katotohanan
na ako ay pilit
na nagpaparaya’t
Umu-unawa



*based on a given f(u)act
Photo courtesy of Ms. Kl Cabus http://www.facebook.com/photo.php?pid=2201282&id=677182806

Thank you for reading this post

&

I really appreciate your care for sharing this in your social media.





1 comment:

  1. ang minsan pag madalas ay palagi na -- www.moreducation.weebly.com

    ReplyDelete

Please share your thoughts and speak your mind freely...