Ang Wakas at Simula sa isang Agusto


Ang Wakas at Simula sa isang Agusto
- isang pagpupugay sa Ina ng Bayang Malaya

Cory Aquino

Salamat sa isang ina, kapatid at anak
na punong-puno ng pagmamahal para sa bayang malaya

Sa kabila ng pangungutya nagawa mo tahakin
ang maburak na daan ng mundo ng pulitika

Inialay mo ang sarili para sa ating Bayan
Noon umulan ng maraming pighati, pero sa kabila nito nagawa mong unahin ang kapakanan ng Bayang nadapa sa ilalim ng mapusok na kuko



Ang Bayang Malaya ay patuloy na maniniwala sa iyo

Hindi ka mawawala sa aming alaala.

Ikaw ay aming magiging gabay
para tuparin ang aming pangarap
sa Isang Bayang pinagbuklod
ng pangarap ng bawat isa sa atin

Ngayon nagwakas ang Isang Agusto

Hayaan mo na ito ay maging simula ng Bagong Agusto
Sa puso at isipan ng Bayang Malaya
na patuloy titingala sa lahat ng alay na inihandog mo


"Our Mom"
Paalam



Maria Corazon "Cory" Sumulong Cojuangco Aquino
(January 25, 1933 – August 1, 2009)





-isinulat ni John P. Combalicer ika-4 August 2009 bilang pagpupugay







Photo courtesy of Mr. Christian Valle Bederico http://xtian008.multiply.com/photos/album/106/Farewell_Corazon_Aquino#35

Thank you for reading this post

&

I really appreciate your care for sharing this in your social media.





0 Comments:

Post a Comment

Please share your thoughts and speak your mind freely...